SI KRISTO AMING BANTAYOG
BIKOL AT SOUTHERN TAGALOG
YFC MAGKASURUROG
Kaibigan, kapatid, kasurog kung tawagin
Binubuklod ng iisang puso’t panalangin
Bawat isa’y aalagaan at mamahalin
At si Kristo ang bantayog at tanging didinggin.
At kung puso ang iyong susurii’t titingnan
Purong pagmamahal, walang halong kaplastikan
Sa lungkot man o hirap, maging sa kasiyahan
Laging nariyan at t’yak na hindi ka iiwan.
Sa pag-ikot ng mundo’t paglipas ng panahon
Maraming trabaho’t pagsubok ang naghahamon
Na sa bawat lubak, pipiliting makaahon
Para maging matatag sa gagawing paglingon.
Upang lalong mapagtibay ang pagsasamahan
Iba muna bago ang sariling kapakanan
Simbolo ng isang tunay na pagbibigayan
Na kahit sinong tao ay kayang patunayan.
Respeto, pag-uunawa’t tanging pagmamahal
Ang sa bawat nilalang ang s’yang pinapairal
Maging sa taong may pusong sing-tigas ng bakal
Dahil t’yak na lalambot din ito pag-tumagal.
Ordinaryong tao ngunit hindi sumusuko
Dahil ang pagsuko sagisag ng pagkatalo
Pagkatalo sa mga labang ipinangako
Laban para sa katarungan at pagbabago.
Gulong ng buhay ay kay hirap maunawaan
Ngunit kung si Kristo ang ating pinaglalaban
Kailanga’y pusong lubos na naninindigan
At mga kasurog na ating masasandalan.
While going over some of my files, I saw this one. I wrote this tula (tagalog poem) way back in 2004; just a couple of weeks after our CFC - YFC STaB SHouT (Couples For Christ - Youth For Christ Southern Tagalog and Bicol Summer House Training) in Camarines Norte. I was a very active member of YFC Albay then. I was really moved by the experience I got from that activity, inspiring me to come up with this literary stuff.
To God be the glory.
Maktub!
2 comments:
maski wara pa ako kaan jan,
namimiss ko masyado ang YFC KAITONG PANAHON.
:)
sinabi mo pa toti. maka-miss talaga. pero siring talaga kaan, nag-gugurang ang mga tawo. di man pwedeng yfc forever. eheh. and sa iling ko, wara man siguro difference su mga yfc kaito sa mga yfc ngana. or baka may dae lang akong aram. eheh.Ü
Post a Comment